Huwebes, ika-12 ng Enero, 2017, nagsadya sa Manila si Punong Ministro (PM) Shinzo Abe ng Hapon, para pasimulan ang kanyang unang pagdalaw sa ibayong dagat sa bagong taon. Sapul nang ika-2 beses na manungkulan bilang punong ministro ng Hapon, mahilig si Abe na dumalaw sa ibang bansa. Siya ang PM ng Hapon na may pinakamaraming biyahe sa ibang bansa. Ang destinasyon ng kanyang unang biyahe sa taong 2017 ay Pilipinas, Australia, Indonesia at Biyetnam.
Nauna rito, sinabi ni Abe na sa panahon ng naturang biyahe, makikipagpalitan siya ng kuru-kuro sa mga lider ng iba't ibang bansa tungkol sa mga bilateral na paksa at kalagayang panrehiyon.
Salin: Vera