Idinaos kagabi sa Tokyo ng halos 3 libong mamamayang Hapones ang demonstrasyong tinatawag na "pagtutol sa administrasyon ni Shinzo Abe." Nagpahayag ang mga demonstrador ng malakas na protesta sa pagpapawalang-bahala ng pamahalaan ni Punong Ministro Shinzo Abe ng opinyong publiko sa mga mahalagang isyung gaya ng Batas sa Seguridad, paggamit ng nuclear power, base ng tropang Amerikano, paglahok sa Trans-Pacific Partnership Agreement, at iba pa.
Ang demonstrasyong ito ay idinaos sa Hibiya Park sa Tokyo, sa harapan ng Diyeta, at sa paligid ng tahanan ng Punong Ministro. Kalahok dito ang ilang kilalang tauhang gaya nina dating Punong Ministro Tomiichi Murayama, Professor Emeritus Setsu Kobayashi ng Keio University, at iba pa. Pinuna ng mga demonstrador ang mga patakaran ng pamahalaan ni Abe, at sinabi nilang ipagpapatuloy ang demonstrasyon, hanggang bumaba sa kapangyarihan si Abe.
Salin: Liu Kai