|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono nitong Huwebes, Enero 5, 2017, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Kalihim John Kerry ng Estado ng Estados Unidos.
Ipinahayag ni Kerry na nitong ilang taong nakalipas, komprehensibong umuunlad ang relasyong Amerikano-Sino, at mabunga ang relasyong ito. Sa pagpapasulong ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, pagharap sa pagbabago ng klima, paglutas sa mga maiinit na isyung panreguridad sa daigdig, at iba pang larangan, napapanatili aniya ng dalawang bansa ang mahigpit na kooperasyon. Napakahalaga ng relasyong Amerikano-Sino, dagdag niya.
Ipinahayag naman ni Wang na sa kasalukuyan'y nasa mahalagang yugto ang relasyong Sino-Amerikano. Dapat aniyang magkasamang pangalagaan ng dalawang panig ang mga natamong bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa, at dapat ding hawakan nang mainam ang tumpak na direksyon ng pag-unlad ng relasyong ito.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |