Nag-usap sa Davos sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Haring Philippe Leopold Louis Marie ng Belgium, Enero 17, 2017.
Ipinahayag ni Pangulong Xi na ang Belgium ay isa sa mga pinakamatalik na katuwang ng Tsina sa Unyong Europeo. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Belgium para ibayong palakasin ang pagtitiwalaang pampulitika, pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng high level manufacture, biomedicine, modern service industry, at palawakin ang pagpapalitan ng kultura at tauhan. Positibo aniya ang Tsina sa integrasyon ng Europa. Umaasa aniya ang Tsina na magsisikap, kasama ng Belgium para mapigil ang trade protectionism, para pangalagaan ang malayang pandaigdigang sistema ng kalakalan at pamumuhunan.
Ipinahayag naman ni Hari Philippe na nagkakasundo ang Tsina at Belgium sa mga masusing isyung pandaigdig. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para pangalagaan ang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.