Simula samakalawa, Linggo, ika-15 ng Enero 2017, idaraos sa Beijing, ang 5-araw na Ika-8 ASEAN+3 Student Camp for the Gifted in Science.
Ito ang kauna-unahang pagdaraos ng aktibidad na ito sa Tsina. Lalahok dito ang 12 grupo ng mga estudyante at guro ng junior high school ng sampung bansang ASEAN, Tsina, at Timog Korea, at dalawang guest team mula sa Chinese Taipei at Sweden.
Sa ilalim ng temang "Dreamer, Thinker, Maker,", isasagawa ng mga kalahok na estudyante ang mga proyektong pansiyensiya at panteknolohiya. Magpapalitan din ng palagay ang mga grupo hinggil sa edukasyong pansiyensiya at panteknolohiya.
Salin: Liu Kai