Nakipag-usap Enero 18, 2017 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Margaret Chan, Direktor Heneral ng World Health Organization(WHO), sa Geneva, Switzerland. Tinukoy ni Pangulong Xi na bilang mahalagang bahagi ng UN 2030 Sustainable Development Agenda, at priyoridad ng estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina, lubusang pinahalagahan ng Tsina ang usaping pangkalusugan. Hinihintay aniya ng Tsina ang mas maraming propesyonal na tulong mula sa WHO. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng WHO para harapin ang ibat-ibang hamon. Samantala, tatanggapin aniya ng Tsina ang paglahok ng WHO sa konstruksyon ng estratehiyang "Belt and Raod" na itinataguyod ng Tsina.
Ipinahayag naman ni Margaret Chan na positibo ang WHO sa pagsisikap ng Tsina sa pagpapasulong ng kalusugang pandaigdig, at pambansang pagpapaplanong pangkalusugan nito. Ipagpapatuloy aniya ng WHO ang patakarang "Isang Tsina," at susuporta rin sa pinalalim na repormang pangkalusugan at medikal ng Tsina. Nakahanda aniya ang WHO na pahigpitin ang pakikipagtulungan sa Tsina, batay sa balangkas ng "Belt and Road Initiative," para pabutihin ang kalagayang pangkalusugan ng mga Belt and Road Country.