Nakipag-usap Enero 18, 2017 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kina Peter Thomson, Tagapangulo ng Ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng UN at Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN.
Tinukoy ni Pangulong Xi na sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig, dapat palakasin pa ang papel ng UN sa pangangalaga sa kapayapaan at pagpapasulong ng kaunlaran ng daigdig. Aniya, positibo ang Tsina sa pagtahak sa landas ng multilateral na pagtutulungan para harapin ang ibat-ibang banta at hamon ng mundo. Dagdag pa niya, bilang estratehikong magkatuwang na pangkooperasyon, ipagpapatuloy ng Tsina ang pagbibigay-tulong sa UN sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman nina Thomson at Guterres na malawakang tinatanggap ng komunidad ng daigdig ang pahayag ni Pangulong Xi sa patakarang multilateral na pagtutulungang isasagawa ng Tsina, sa kasalukuyang World Economic Forum. Gumaganap anila ang Tsina ng konstruktibong papel sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng pagbago ng klima, pagbabawas sa kahirapan, sustenableng pag-unlad, at iba pa. Nakahanda anila ang UN na magsikap, kasama ng Tsina para pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, at itatag ang komunidad ng kapalarang pansangkatauhan.