|
||||||||
|
||
Kasama ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na gaya ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at Cambodia, naitatag kamakailan ng Thailand ang Komisyon ng Pag-unlad ng Kabuhayan at Kalakalan ng mga Katam-tamang Laki at Maliliit na Bahay-kalakal ng ASEAN. Layon nitong pasulungin ang diyalogo at pakikipagkooperasyon sa Tsina, maplantsa ang trade channel sa pagitan ng naturang mga bahay-kalakal ng ASEAN at Tsina, at magkakasamang makapagtamasa ng bungang dulot ng pag-unlad.
Nitong Miyerkules, Nobyembre 16, 2016, idinaos sa Guilin, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina, ang seremonyang pampasinaya ng "ASEAN—Thai City." 150 milyong Yuan, RMB ang kabuuang pamumuhunan sa naturang commercial complex na may pangunahing bahagi ng mga panindang Thai at saklaw sa mga panindang may katangian ng iba't-ibang bansang ASEAN.
Ayon sa mga kalahok na umaasa silang sa pamamagitan ng pagtatatag ng platapormang ito, pagsasama-samahin ang mga katam-tamang laki at maliliit na bahay-kalakal ng ASEAN at Tsina upang maisakatuparan ang komong pag-unlad.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |