|
||||||||
|
||
Hanoi — Ipinahayag kamakailan ng mga opisyal ng Biyetnam na sa mga larangang tulad ng agrikultura at pamumuhunan, napakalaki pa rin ng potensyal ng kooperasyong Biyetnames-Sino.
Ipinahayag ni Tran Tuan Anh, Ministro ng Industriya at Kalakalan ng Biyetnam na upang mapasigla ang nasabing potensyal, kailangang ibayo pang pabutihin ng dalawang bansa ang kanilang law framework, at kailangan ding puspusang pabutihin ang kapaligirang pampamumuhunan at pangkooperasyon.
Samantala, ipinahayag ni Nguyen Xuan Cuong, Ministro ng Pag-unlad ng Agrikultura at Kanayunan ng Biyetnam, na noong isang taon, halos 7 bilyong dolyares ang halaga ng pagluluwas ng produktong agrikultural ng Biyetnam sa Tsina na katumbas ng 22% ng kabuuang halaga ng pagluluwas nito. Aniya, ang pagpapasulong ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ay komong pangangailangan ng dalawang bansa sa proseso ng pag-unlad at pakikisangkot sa komunidad ng daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |