NAPAPANAHONG gawin ng liderato ng pulisya at iba pang law enforcement agencies ang paglilinis ng kanilang hanay upang matiyak na ligtas ang mga mamamayang Filipino at maging ang mga lehitimong banyaga sa bansa.
Ayon kay Commodore Dante La. Jimenez, founding chair ng Volunteers Against Crime and Corruption, marapat na maganap na ang paglilinis sapagkat kahihiyan ang inaaabot ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dumalo rin si Commodore Jimenez sa Wednesday Roundtable @ Lido kanina. Nanawagan din siya sa Ombudsman na kumilos sa kanilang reklamo laban kay dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at dating PNP chief Allan Purisima hinggil sa kaso ng SAF 44.