SINABI ni Atty. Ramil Gabao, chairman ng Board of Criminology ng Professional Regulatory Commission na problemado ang mga bagong graduate na nakapasok sa police service sapagkat nawawala ang kanilang idealismo sa pag-asang karamihan sa mga alagad ng batas ang sumusunod sa batas.
May mga pagkakataong nagrerebelde o naghihimagsik ang mga bagong pulis sa pagtangging sundin ang ipinag-uutos ng kanilang mga commanding officer sapagkat labag ito sa batas.
Mahalaga rin umano sa pulisya ang detective work sapagkat sa ganitong paraan nababatid ang iba't ibang detalyes at anggulo ng krimen. Umaabot sa 10,000 mga nagtatapos ng Criminology sa bawat taon at hindi nakapupuno sa taunang requirement ng PNP na 20,000 police recruits.
Ipinaliwanag pa ni Atty. Gabao na mayroong 500 mga paraalan ng Criminology sa buong bansa.
Nanawagan siya sa mga namumuno sa pambansang pulisya na maging mabubuting halimbawa sa kanilang mga tauhan upang mawala ang mga tinaguriang rogue o scalawags in uniform.