Kaugnay ng hakbangin ng Unyong Europeo (EU) na magpataw ng anti-dumping tax sa stainless steel fittings na yari ng Tsina, ipinahayag ng opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang aksyon ng EU ay lumalabag sa tadhana ng World Trade Organization (WTO).
Sinabi pa niyang gagamitin ng Tsina ang mga katugong hakbangin para pangalagaan ang karapatan ng mga bahay-kalakal ng Tsina.
Ipinasiya Biyernes, Enero 27, ng EU na isagawa ang limang taong hakbangin ng anti-dumping duties sa mga stainless steel fittings ng Tsina. Ang anti-dumping tax ay nasa 30.75 hanggang 64.9%.