Nag-usap sa pamamagitan ng telepono Enero 30, 2017 sina Hwang Kyo-ahn, Punong Ministro at Acting President ng Timog Korea at Donald Trump, Pangulo ng Amerika. Sumang-ayon silang patuloy na palalakasin ang relasyong pang-alyado ng dalawang bansa. Pero, pinagdududahan ng mga media ng T.Korea na magbabago ang relasyong ito sa termino ni Trump.
Nang araw ring iyon, ipinalabas ang pahayag ng tanggapan ng Punong Ministro ng Timog Korea na inulit ni Trump sa pag-uusap na mahigpit na kapanalig ang Amerika ng Timog Korea, at ang alyansa ng dalawang bansa ay mas matatag kumpara sa nakaraang panahon. Umaasa si Trump na gagamitin ang pagkakataon ng pagdalaw ng Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Amerika sa T.Korea sa linggong ito, upang palakasin nila ang kakayahan ng magkasanib na seguridad para kaharapin ang hamon ng nuclear at missile sa Korean Peninsula.
Pero, pinagdudahan ng media ng T.Korea na magbabago ang alyansa dahil may posibilidad na humiling ang pamahalaan ni Trump sa T.Korea na isabalikat ang karagdagang military bungit ng tropang Amerikano sa T.Korea, at muling tatalakayin ang kasunduan ng malayang kalakalan ng dalawang bansa.
salin:Lele