Sinabi Huwebes, Enero 26, 2017 ni Pangulong Bashar al-Assad ng Syria na ang pananatili ng kasalukuyang kasunduan ng tigil-putukan ay nakakatulong sa pagbalik ng bansang ito sa katatagan at kapayapaan.
Sa kanyang pakikipagtagpo sa Damascus kay Hossein Amir-Abdullahian, Espesyal na Asistente ng Ispiker ng Parliamento ng Iran, sinabi ni Bashar al-Assad na kinakatigan niya ang kasunduan ng tigil-putukan ng Syria na iniharap ng Rusya at Iran.
Sinabi pa niyang kinakatigan ang pagbibigay-dagok sa mga teroristikong organisasyon sa Syria na gaya ng Islamic State at Front for the Conquest of Syria (Jabhat Fateh al-Sham).
Ipinahayag naman ni Hossein Amir-Abdullahian na ang mga teroristikong organisasyon sa loob ng Syria ay nagsisilbing malaking banta sa rehiyong ito. Dagdag pa niya, patuloy na kakatigan ng Iran ang pamahalaan ng Syria sa iba't ibang larangan.