Noong panahon ng kasalukuyang Spring Festival, kinagiliwan ng mga mamamayang Thai ang makukulay na aktibidad para sa tradisyonal na kapistahang ito ng Tsina.
Sa pagtataguyod ng Tourism Authority of Thailand at Embahada ng Tsina sa bansang ito, idinaos sa 9 na lugar ng Thailand na kinabibilangan ng Bangkok, Chiang Mai, Phuket, Pattaya, at iba pa, ang mga espesyal na aktibidad na pangkapistahan, na gaya ng pagtikim ng tsaang Tsino, pagsulat ng "fu," Chinese character para sa kaligayahan, paggawa ng Chinese knot, Chinese fashion show, at iba pa.
Sinabi ni Yuthasak Supasorn, Puno ng Tourism Authority of Thailand, na ang pagdaraos ng naturang mga aktibidad ay magandang halimbawa ng mahigpit na pagpapalitang pangkultura ng Thailand at Tsina. Dagdag niya, noong bakasyon ng kasaluyang Spring Festival, naglakbay sa Thailand ang maraming turistang Tsino. Ito aniya ay magandang simula ng pagbisita ng mas maraming Tsino sa Thailand sa taong ito.
Salin: Liu Kai