"Ang patakarang pang-imigrasyon ng Amerika ay makakaapekto sa paglutas sa krisis ng refugee at paglaban sa terorismo." Ito ang ipinahayag Pebrero 2, 2017 ni Armanatha Nasir, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Indonesya, bilang tugon sa refugee and immigration ban na isinapubliko kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika. Ikinalulungkot aniya ng kanyang bansa ang pangyayaring ito.
Ipinalalagay ng nasabing opisyal Indones na ang pagpapahigpit ng pagtutulungang pandaigdig ay nagsisilbing mabisang paraan sa paglutas ng mga isyung dulot ng terorismo.
Aniya pa, kasalukuyang nananatiling mainam ang bilateral na relasyon sa pagitan ng Indonesya at Amerika. Umaasa aniya siyang ibayong hihigpit ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.