Isinapubliko Martes, Pebrero 7, 2017 ng General Office ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at General Office ng State Council, pamahalaang Sentral ng Tsina, ang guidelines sa ecological "red line" para isagawa ang mahigpit na pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran sa ilang takdang lugar.
Ayon sa naturang dokumento, pagdating ng katapusan ng taong 2020, inaasahang lubok na tiyak ang hanggahan ng naturang mga lugar sa buong bansa at naitatag na ang sistema ng pangangalaga sa "red line."
Bukod dito, hiniling ng naturang dokumento sa mga lupong lokal ng CPC at pamahalaang lokal na dapat isabalikat ang nukleong responsibilidad sa pangangalaga sa "red line."