Ayon sa ulat mula sa ASEAN-China Center (ACC), bumisita kahapon sa Manila si Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Center (ACC), kay Laura del Rosario, Pangalawang Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Isinalaysay ni Yang ang tungkulin at pangunahing gawain ng ACC. Ipinahayag din niya na ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, at isinagawa ng dalawang bansa ang isang serye ng kooperasyon sa mga larangang gaya ng bilateral na kalakalan, pamumuhunan, at turismo. Aniya, aktibong isinasakatuparan ng ACC ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa para makapagbigay ng bagong ambag sa pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyong Sino-ASEAN sa kabuhayan at kalakalan, kultura, at iba pang larangan.
Tiniyak naman ni Laura del Rosario ang mga gawain ng ACC sapul nang itatag ito. Ipinahayag din niya na malaki ang potensyal ng pag-unlad ng turismo ng Pilipinas, ngunit malaki pa rin ang agwat sa konstruksyon ng imprastruktura. Umaasa aniya siyang mapapasulong ng ACC ang pamumuhunan ng mas maraming bahay-kalakal na Tsino sa Pilipinas para tulungan ang Pilipinas sa pagpapabuti ng kapaligirang panturista at konstruksyon ng imprastruktura ng bansa.
Salin: Li Feng