|
||||||||
|
||
Sa Beijing — Isang resepsyon ang idinaos Miyerkules ng gabi, Disyembre 16, 2015, ng ASEAN-China Center (ACC) bilang pagdiriwang sa ika-4 na anibersaryo ng pagkakatatag nito. Dumalo rito ang mahigit 400 panauhin na kinabibilangan nina Kong Xuanyou, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina, Khek Sisoda, Embahador ng Cambodia sa Tsina, Magdalene Teo, Embahador ng Brunei sa Tsina, Erlinda F. Basilio, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, at mga kinatawan mula sa mga embahada ng bansang ASEAN, pandaigdigang organo sa Tsina, at mga personahe mula sa sirkulong industriyal at komersyal, akademiko, at media.
Si Kong Xuanyou, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina
Sa kanyang mensahe, lubos na pinapurihan ni Kong ang ibinibigay na ambag ng ACC sa pagpapasulong ng kooperasyong Sino-ASEAN sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, edukasyon, kultura, turismo, at diplomasya. Aniya, sa mula't mula pa 'y kinakatigan ng Tsina ang pag-unlad ng ASEAN at ang konstruksyon ng "Komunidad ng ASEAN." Tulad ng dati, kakatigan ng Tsina ang mga gawain ng ACC para mapasulong ang pagpapatingkad nito ng mas malaking papel, dagdag pa niya.
Si Khek Sisoda, Embahador ng Cambodia sa Tsina
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Khek Sisoda na kapwa binigyan ng lubos na papuri ng mga lider ng ASEAN at Tsina ang mabuting gawain at ambag ng ACC.
Si Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ACC
Ipinahayag din ni Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ACC, ang pasasalamat sa puspusang pagkatig ng Tsina at mga bansang ASEAN sa gawain ng kanyang sentro.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |