Ipinahayag Pebrero 13, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinihimok ng Tsina ang Amerika at Hapon na itigil ang mga maling pananalita para iwasan ang pagpapasalimuot sa kalagayang panrehiyon. Winika ito ng tagapagsalitang Tsino bilang tugon sa pahayag kamakailan ng mga lider Amerikano at Hapones, na nagkakabisa ang Tratadong Pandepensa ng Amerika at Hapon sa isyu ng Diaoyu Islands.
Nang mabangit ang isyu ng South China Sea, ipinahayag ni Geng na tulad ng isyu ng Diaoyu Islands, walang duda ang soberanya ng Tsina sa karagatang ito. Aniya, nagsisikap ang Tsina para pangalagaan ang kabuuan ng soberanya at teritoryo ng estado, at interes ng karagatan. Samantala, magsisikap din aniya ang Tsina, kasama ng mga bansa ng ASEAN, para malutas ang mga alitan sa pamamagitan ng mapayapang paraan, para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.