Ipinahayag Pebrero 15, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinihimok ng Tsina ang India na igalang ang patakarang "Isang Tsina," at maayos na hawakan ang isyu ng Taiwan.
Winika ito ni Geng bilang tugon sa ulat hinggil sa isinagawang biyahe ng 3 opisyal ng Taiwan sa India, at planong pagtatatag ng mas mataas na official institutions sa India.
Ipinahayag ni Geng na tinanggihan ng Tsina ang anumang bansang may diplomatikong pakikipagtulungan sa Tsina, na itatag ang official relations sa Taiwan. Hindi magbabago ang paninindigang ito. Umaasa aniya si Geng na igagalang ng India ang mga nukleong pagkabahala ng Tsina, at susuportahan ang patakarang "Isang Tsina." Ito aniya'y makakatulong sa pangangalaga sa matatag at malusog na pagtutulungan ng dalawang bansa.