Ipinahayag Pebrero 15, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinihimok ng Tsina ang Hapon na igalang ang katotohanang pangkasaysayan, at itigil ang probokasyon.
Winika ito ni Geng bilang tugon sa guideline na isinapubliko di umano kamakailan ng Ministri ng Edukasyon ng Hapon, na ilalagay ang Diaoyu Islands bilang teritoryo ng Hapon, sa bagong textbook ng mga primary at middle school.
Ipinahayag ni Geng na walang duda ang soberanya ng Tsina sa Diaoyu Islands, at matatag ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa kabuuan ng soberanya at teritoryo ng estado. Aniya, hindi maaaring baguhin ng Hapon ang nasabing katotohanang pangkasaysayan, sa anumang pananalita at aktibidad. Umaasa aniya ang Tsina na ituturo ng Hapon sa bagong henerasyon ang tumpak na detalyeng pangkasaysayan, at gawin ang mga hakbang na makakatulong sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones.