Ipinahayag Pebrero 16, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sinusubaybayan ng Tsina ang isinagawang asasinasyon kay Kim Jong Nam.
Winika ito ni Geng bilang tugon sa tanong ng mga mamamahayag hinggil sa kung maaapektuhan ba, o hindi ng pagpatay kay Kim Jong Nam ang relasyon ng Tsina at Hilagang Korea.
Sinabi ni Geng na nakarating na sa kaalaman ng Tsina ang asasinasyon kay Kim Jong Nam, at sinusubaybayan ng bansa ang mga susunod na kaganapan sa pangyayaring ito.
Dagdag pa niya, bilang mapagkaibigang magkapitbansa, nananatiling mainam ang tradisyonal na pagtutulungan ng Tsina at H. Korea.