|
||||||||
|
||
Ipinadala nitong Biyernes, Pebrero 17, 2017, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe kay Punong Ministro Nawaz Sharif ng Pakistan bilang pakikiramay sa naganap na grabeng teroristikong pananalakay sa rehiyong Sehwan ng probinsyang Sindh.
Sa mensahe, ipinahayag ni Premyer Li na mahigpit na kinondena ng panig Tsino ang nasabing pananalakay. Sa ngalan ng pamahalaang Tsino, ipinahayag niya ang malalimang pakikidalamhati sa mga biktima, at ipinahayag din ang taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nasawi.
Dagdag pa niya, buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang lahat ng porma ng terorismo. Tulad ng dati, patuloy aniyang kakatigan ng panig Tsino ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayang Pakistani para sa pangangalaga sa seguridad at katatagan ng bansa, at pagbibigay-dagok sa terorismo.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |