Ayon sa ulat kamakailan ng pamahalaan ng Myanmar, natapos na ang mahigit apat na buwang operasyon ng tropa ng pamahalaan sa Maungdaw, Rakhine State sa hilagang bahagi ng bansang ito, kung saan naganap noong Oktubre ng nagdaang taon ang pag-atake sa mga istasyon ng pulis.
Sa operasyong ito, napatay ang 69 na armadong tauhan, at nadakip ang halos 600 pinaghihinalaang kasangkot sa naturang pag-atake. Napatay naman ang 17 miyembro ng tropa ng pamahalaan, at 13 sibilyan.
Ayon pa rin sa pamahalaan ng Myanmar, sa kasalukuyan, inilipat na ng panig militar sa panig pulisya ang pagkontrol sa naturang rehiyon.
Salin: Liu Kai