Sinimulang idaos ngayong araw, Martes, ika-21 ng Pebrero 2017, sa Boracay, ang di-pormal na pulong ng mga ministrong panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ito ang unang pulong ng ASEAN na idinaos ng Pilipinas, bilang kasalukuyang tagapangulong bansa ng organisasyong ito.
Nauna rito, ayon sa ulat ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, sa nabanggit na pulong, tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa ASEAN Community Vision 2025, at mga hamon sa rehiyong ito, na kinabibilangan ng terorismo at ekstrimismo, ilegal na droga, human trafficking, pagbabago ng klima, at iba pa.
Salin: Liu Kai