Isinapubliko kamakailan ng Asian Development Bank(ADB) ang Asian Development Outlook 2016, annual economic publications ng bangko.
Ipinahayag ng ADB na tinatayang aabot sa 4.5% ang paglaki ng kabuhayan ng mga bansang Timog-silangang Asya sa taong 2016. Anito, mas mabilis at maganda ang paglaki ng kabuhayan ng Pilipinas at Thailand.
Ipinahayag din ng ADB na makikinabang ang kabuhayan ng naturang rehiyon dahil sa lumalaking pangangailangan mula sa mga maunlad na bansa, at pagtaas ng presyo ng mga pagluluwas, sa taong 2017.