Ipinahayag kamakailan ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idinaos sa Subic, Olongapo mula Pebrero 20-22, 2017 ang kauna-unahang komperensiya ng Joint Committee ng Kapulisang Pandagat ng Tsina at Pilipinas. Sinang-ayunan aniya ng dalawang panig na itayo ang hot line mechanism, at ibayong pahigpitin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen, pagliligtas sa karagatan, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, at iba pa.
Ipinahayag ni Geng na ang isinasagawang pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas ay makakatulong hindi lamang sa ibayong pagpapalalim ng pagtitiwalaang pampulitika at pagpapalakas ng pagkakaibigan, kundi maging sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.