Ipinahayag kamakailan sa Beijing ni Teo Chee Hean, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore na magsisikap ang kanyang bansa para pasulungin ang pagtutulungan ng Tsina at Singapore, patibayin ang partnership ng Tsina at ASEAN, at pasulungin ang ugnayan ng "Belt and Road Initiative" at estratehiyang pangkaunlaran ng ASEAN. Hinihintay aniya niya ang pagbi-bid ng mga bahay-kalakal na Tsino sa proyekto ng high speed railway mula Singapore City hanggang sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na positibo ang Tsina sa pakikipagtulungan sa Singapore, at may malaking potensyal ang pagtutulungan ng dalawang bansa. Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Singapore para itatag at pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Ito aniya'y angkop sa komong interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa at buong rehiyon.