Ipinahayag Pebrero 27, 2017 ng Konseho ng Unyong Europeo ang pagpapataw ng bagong round ng sangsyon laban sa Hilagang Korea. Ito ay bilang tugon sa paglunsad ng huli ng long and medium range ballistic missile, noong ika-12 ng buwang ito.
Ang kasalukuyang sangsyon ay may-kinalaman sa pagtutulungang pansiyensiya at panteknolohiya, at kalakalan ng yamang mineral na gaya ng karbon, bakal, tanso, silver, zinc, at nickel.
Samantala, ipagbabawal din ng EU ang pagbebenta ng helicopter at barko sa H.Korea.