Sa kanyang opisyal na social website, ipinahayag Sabado, Marso 4, 2017, ni Hun Sen, Punong Ministro ng Cambodia, ang pagbati sa mga kababaihan ng bansang ito bilang pagdiriwang sa papalapit na International Women's Day.
Sinabi niyang ang kababaihan ay mahalagang pundasyon para sa katatagan at kaunlaran ng bansang ito. Sinabi pa niyang nitong mahigit 20 taong nakaraan, lubos na pinahahalagahan ng kanyang pamahalaan ang pangangalaga sa kapakanan at karapatan ng mga kababaihan sa pulitika, lipunan, kabuhayan at kalusugan.
Ayon sa datos, mula taong 1993 hanggang 2013, tumataas ang katayuang pulitikal ng mga kababaihan sa Cambodia. Ang proporsyon ng mga babaeng mambabatas sa lahat ng mga mambabatas ay tumaas sa 20.3% mula 5.8%. Lumitaw rin ang mga mataas na babaeng opisyal na kinabibilangan ng isang pangalawang punong ministro at tatlong ministro. Bukod dito, 37% ng mga civil servant ng bansang ito ay babae.