Niyanig kahapon, Marso 5, 2017 ng lindol na may lakas na 5.9 sa richter Scale ang lunsod ng Surigao.
Nauna rito, naganap din ang 6.7 magnitude na lindol sa naturang siyudad, noong Pebrero 10, 2017.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council(NDRRMC), mula noong Pebrero 10, 2017, 8 katao ang nasawi, 202 iba pa ang nasugatan, at mahigit 6,000 bahay ang apektado ng lindol. Samantala, nagbabala rin ang NDRRMC sa mga residente sa lokalidad na maging alerto sa mga aftershock, na posibleng maganap sa hinaharap.