Ayon sa ulat, Marso 6, 2017, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, kasalukuyang dumadalaw si Zhong Shan, bagong Ministro ng Komersyo ng Tsina mula ika-6 hanggang ika-9 ng Marso sa Pilipinas, para mapasulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kalakalan, pamumuhunan, konstruksyon ng imprastruktura at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Noong ika-24 ng Pebrero, hinirang si Zhong Shan ng Pambansang Kongreso ng Bayan ng Tsina bilang Ministro ng Komersyo. At ito ay kauna-unahang pagdalaw niya sa labas ng bansa bilang Ministro ng Komersyo ng Tsina.
Isiniwalat ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na sa panahon ng pagdalaw, kakatagpuin si Zhong ni Pangulong Rodrigo Duterte, at mangungulo, kasama ng kanyang counterpart ng Pilipinas, sa 28th Session of China-Philippines Joint Commission on Economic and Trade Cooperation, at makikipag-usap rin siya sa mga opisyal ng Pilipinas.
salin:Lele