Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, ipinatalastas kamakailan ng Board of Investments (BOI) na sa kauna-unahang pagkakataon, pinaplano ng limang malaking kompanyang Tsino na maglagak, bago magtapos ang taong ito ng mahigit 10 bilyong USD sa Pilipinas. Ayon pa sa ulat, ito'y makalikha ng mahigit 15 libong trabaho sa aspekto ng bakal, abiyasyon, berdeng enerhiya, langis, ship building at repair.
Napag-alamang, magkahiwalay na ilalaan ng Liaoning Bora Enterprise Group Co., Ltd. at Huili Investment Fund Management Co., Ltd. ang 3 bilyong USD. Binabalak na itatag at isaoperasyon ng Bora Enterprise Group ang mga proyekto ng downstream oil tulad ng pagbebenta, pagrereserba at oil refining na may pag-asang lumikha ng 3 libong trabaho. Itatatag naman ng Huili Investment Fund Management Co., Ltd. ang world-class integrated steel mill na liliha ng 6,000 trabaho.
Samantala, pinag-aaralan ng Dalian Wanyang na ilaan ang 2.8 bilyong USD para itatag ang isang energy gasification project na magpoprodyus ng 312 megawatts na koryente, sa pamamagitan ng pag-gasify sa 4000-5000 tonelada ng basura sa Manila. Ito'y inaasahang lilikha ng 4500 trabaho.
Pinili naman ng YDT International, isang affiliate company ng Dalian Wanyang ang Pilipinas bilang kanilang bagong lugar upang itatag ang shipbuilding at ship repair project, na may pag-asang lumikha ng 2000 trabaho.
Sa kabilang dako, hindi pa isiniwalat ng Aviation Industry Corporation of China (AVIC) ang anumang detalye ng kanilang plano ng pamumuhunan.