Napag-alaman mula sa Kawanihan ng Palakasan ng Rehiyong Aotonomo ng Guangxi ng Tsina na isang aktibidad ng paglangoy ng Tsina at Biyetnam ang idaraos sa Ha Long Bay ng Biyetnam sa ika-17 ng Marso , at ito ay kauna-unahang pagkakataong magkasanib na idaraos ang ganitong aktibidad ng Tsina at Biyetnam.
Hanggang sa kasalukuyan, halos 2000 Tsino ang nagparehistro para sa paglahok.
Itinaguyod ang paglangoy ng Sentro ng Paglangoy ng Departamento ng Kultura at Palakasan ng Lalawigang Quang Ninh ng Biyetnam, Samahan ng Palakasan ng Guangxi, at Samahan ng Paglangoy ng Guangxi ng Tsina.
salin:Lele