Kaugnay ng insidente ng pambubugbog ng mga border defense officer sa Mong Cai ng Biyetnam sa isang mamamayang Tsino habang patawid ng hanggahan pauwi, sinabi Miyerkules, ika-15 ng Pebrero, 2017, ng Bureau of Consular Affairs ng Ministring Panlabas ng Biyetnam na tinanggap na ng panig Biyetnames ang feedback ng panig Tsino tungkol dito, at pangkagipitang kinukumpirma ng mga kinauukulang organo ang may kinalamang impormasyon, at hahawakan ang insidenteng ito, batay sa kaganapan ng insidente.
Kaugnay ng naturang insidente, noong ika-11 ng Pebrero, inilabas ng official Wechat account ng Bureau of Consular Affairs ng Ministring Panlabas ng Tsina ang impormasyong nagsasabing magkahiwalay na iniharap na ng namamahalagang tauhan nila at Embahada ng Tsina sa Biyetnam ang solemnang representasyon sa panig Biyetnames.
Salin: Vera