Hanoi, Marso 4, 2017--Inilipat kahapon ng Kapulisan ng Biyetnam sa panig pulisya ng Tsina, ang dalawang wanted economic fugitive na Tsino.
Ayon sa embahada ng Tsina sa Biyetnam, ang naturang dalawang suspek ay sumuko sa pulisya, noong katapusan ng nagdaang buwan, pagkaraan ng dalawang taong pagtatago sa Hai Phong, lunsod sa hilagang Biyetnam.
Dagdag ng embahada, mabisa ang magkasamang operasyon ng pagtugis sa mga tumatakas na suspek, na isinasagawa ng mga pulisya ng Tsina at Biyetnam, nitong ilang taong nakalipas. Anito, pagpasok ng taong ito, sa tulong ng panig pulisya ng Biyetnam, nadakip din ang tatlong iba pang suspek na Tsino.
Salin: Liu Kai