Beijing, Huwebes, ika-16 ng Pebrero, 2017, hinimok ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang panig Biyetnames na ganap at maayos na hawakan ang insidente ng pambubugbog ng mga border defense officer ng Biyetnam sa isang turistang Tsino.
Noong ika-7 ng Pebrero, humingi ng lagay ang mga border defense officer ng Biyetnam sa isang turistang Tsino at kanyang kapamilya para makatawid sa hanggahan. Nang tumangging magbigay ang turistang Tsino, ginulpi siya ng nasabing mga opisyal Biyetnames. Ayon sa diagnosis, 3 tadyang ang nabali, at maraming soft tissue contusion ang natamo ng Tsino.
Sinabi ni Geng na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pangangalaga sa kaligtasan at lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat. Dapat aniyang humingi ng paumanhin at magbigay ng kompensasyon ang panig Biyetnames hinggil dito. Hinihiling din ng panig Tsino na seryosong hawakan ng panig Biyetnames ang mga tauhang may kinalaman sa kasong ito, at isagawa ang mabisang hakbangin para maiwasan ang muling pagkaganap ng katulad na insidente.
Sa kasalukuyan, sinuspinde na ang 8 kinauukulang tauhang Biyetnames.
Salin: Vera