|
||||||||
|
||
Sa isang pahayag na inilabas nitong Miyerkules, Marso 8, 2017, ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Afghanistan, sinabi nito na sinalakay nang araw ring iyon ang isang military hospital sa kabiserang Kabul na ikinamatay ng mahigit 30 katao, at ikinasugat ng mahigit 50 iba pa.
Ayon sa pahayag, sa aksyon ng paglipol ng tropang panseguridad ng Afghanistan sa mga mananalakay, 4 na mananalakay ang napatay.
Inamin ng "Islamic State (IS)" na sila ang nasa likod ng nasabing pananalakay.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |