Ipinatalastas ngayong araw, Biyernes, ika-10 ng Marso 2017, ng Constitutional Court ng Timog Korea, ang pagpapatibay ng impeachment kay Pangulong Park Geun-hye ng bansang ito. Si Park ay unang pangulong naitiwalag sa pamamagitan ng impeachment sa kasaysayan ng T.Korea.
Binasa ni Lee Jung-mi, umaaktong Chief Justice ng Constitutional Court, ang hatol. Ito aniya ay pinaboran ng lahat ng 8 hukom ng hukumang ito, dahil tiniyak nila ang pagkakasangkot ni Park sa corruption scandal.
Ayon sa Konstitusyon ng T.Korea, pagkaraang pagtibayin ang impeachment, dapat agarang bumaba sa tungkulin si Park, at alisin ang kanyang presidential immunity. Dapat ding idaos ang pambansang halalan sa loob ng darating na 60 araw.
Salin: Liu Kai