Ipinahayag Marso 9, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang magtitimpi ang ibat-ibang panig ng Myanmar para iwasan ang eskalasyon ng sagupaan.
Ani Geng, nitong ilang araw na nakalipas, dahil sa palitan ng putok sa gawing hilaga ng Myanmar, mga 20 libong refugees galing sa Myanmar ang tumakas at pumasok sa teritoryo ng Tsina. Nagbigay aniya ang Tsina ng makataong tulong sa mga Burmese, at nagsagawa rin ng mabibisang hakbangin para pangalagaan ang katatagan sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar. Aniya, lumikha ito ng malaking kasuwalti sa mga sibilyan. Kinondena aniya ng Tsina ang pangyayaring ito.
Dagdag pa ni Geng, suportado ng Tsina ang prosesong pangkapayapaan ng Myanmar, at inaasahang malulutas ang alitan ng ibat-ibang panig, sa pamamagitan ng diyalogo, para isakatuparan ang pambansang rekonsilyasyon.