Kaugnay ng 2016 Freedom of Navigation Report na inilabas ng Pentagon ng Amerika para punahin ang Tsina na humabol ng labis na karapatang pandagat sa South China Sea (SCS) at humahadlang sa kalayaan ng paglalayag sa rehiyong ito, inilabas ng China Radio International (CRI) ang komentaryo na nagsasabing ang demarkasyon ng Tsina sa SCS ay angkop sa tadhana ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa mula't mula pa'y pinangalagaan ng Tsina ang kalayaan ng paglalayag ng mga bapor sa SCS batay sa mga batas.
Anang komentaryo, inilaan ng Tsina ang maraming pondo para ipagkaoob ang serbisyong pampubliko para sa paglalayag ng mga bapor sa rehiyong ito.
Sa katotohanan, hindi pinagtibay ng Amerika ang UNCLOS. Kaya ang kalayaan ng paglalayag na iginigiit ng Amerika ay walang anumang batayang legal. Ito'y patakaran ng Amerika para pangalagaan ang sariling kapakanan at makialam sa suliraning panloob ng ibang mga bansa.