Ipinalabas ngayong araw, Huwebes, ika-9 ng Marso 2017, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang Human Rights Record of the United States in 2016. Ito ay bilang tugon sa Country Reports on Human Rights Practices for 2016 na ipinalabas noong ika-3 ng Marso ng Kagawaran ng Estado ng Amerika.
Anang ulat, patuloy na itinuturing ng Amerika ang sarili na "hukom ng karapatang pantao." Anito, patuloy na ginagawa ng Amerika ang walang katwirang pag-aakusa sa kalagayan ng karapatang pantao ng iba't ibang bansa, samantala pinabayaan nito ang lumalalang kalagayan ng karapatang pantao sa sariling bansa.
Nakasaad din sa ulat ang mga konkretong katotohanan ng mga grabeng problema sa karapatang pantao ng Amerika sa iba't ibang aspekto, na gaya ng paglapastangan sa rights of the person, pagyurak sa karapatan sa pulitika, grabeng kalagayan ng pamumuhay ng mga taong mababa ang kita, lumalalang pagtatangi sa lahi, kakulangan sa paggarantiya sa mga karapatan ng mga kababaihan, bata, at senior citizen, paglapastangan sa karapatang pantao ng ibang bansa, at iba pa.
Salin: Liu Kai