Kaugnay ng pagpapainit kamakailan ng Amerika ng mga isyung may kinalaman sa Tsina, at paggawa ng mga aksyong nakatuon sa Tsina sa mga aspekto ng kabuhayan, pagdedeploy na militar, at iba pa, ipinalabas ng China Radio International ang komentaryo, na humihimok sa Amerika na tumpak na pakitunguhin ang pag-unlad ng Tsina, at isagawa ang pakikipagkooperasyon sa Tsina.
Anang komentaryo, nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang kabuhayang Tsino, at gumaganap ang Tsina ng palaki nang palaking papel sa daigdig. Gusto ng Tsina na magbigay-ambag sa pag-unlad ng daigdig, at wala itong intesyong makapinsala sa interes ng Amerika.
Pagdating sa mga isyu sa pagitan ng Tsina at Amerika, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig, anang komentaryo, iniharap ng Tsina ang mga solusyon, at ipinahayag din ang kahandaang makipagkooperasyon sa Amerika sa paglutas ng naturang mga isyu. Dapat naman ipakita ng Amerika ang katapatan sa aspektong ito.
Dagdag pa ng komentaryo, iginigiit ng Tsina ang mapayapang pag-unlad, at ang pag-unlad ng Tsina ay hindi magsisilbing hamon sa Amerika. Ang pagpigil ng Amerika sa pag-unlad ng Tsina ay hindi makakabuti sa kapwa bansa, at buong daigdig. Anito pa, ang relasyong Sino-Amerikano ay isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig sa kasalukuyan. Ang pagtatatag ng relasyong walang sagupaan at komprontasyon, at nagpapahalaga sa paggagalangan, pagtutulungan, at win-win result, ay susi sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Salin: Liu Kai