Sa panahon ng kanyang pagbisita kahapon, Lunes, ika-13 ng Marso 2017, sa China-Malaysia Qinzhou Industrial Park sa Rehiyong Awtonomo ng Guangxi Zhuang ng Tsina, ipinahayag ni Ong Ka Ting, espesyal na sugo ng punong ministro ng Malaysia sa Tsina, na puwedeng ibayo pang palawakin ng dalawang bansa ang kooperasyon.
Hinahangaan ni Ong ang mabuting takbo ng naturang industrial park, at mabilis na pag-unlad ng mga pasilidad nito, lalung-lalo na sa aspekto ng imprastrukturang pangkomunikasyon.
Dagdag niya, sa pamamagitan ng China-Malaysia Qinzhou Industrial Park at Malaysia-China Kuantan Industrial Park na magkasamang pinasusulong ng Malaysia at Tsina, puwedeng galugarin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa pagpapabilis ng inobasyon sa mga tradisyonal na industriya, at pagpapaunlad ng mga high-tech industry.
Ayon pa sa ulat, hanggang sa kasalukuyan, 89 ang mga naisagawa at isinasagawang proyekto sa China-Malaysia Qinzhou Industrial Park, at umabot sa halos 7.8 bilyong Dolyares ang kabuuang pamumuhunan.
Salin: Liu Kai