|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Lunes, Marso 13, 2017, ni Susan Thornton, umaaktong Asistanteng Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na hinahanap ng kanyang bansa ang "tunguhing magbibigay ng resulta, at konstruktibong relasyon" sa Tsina.
Sa isang news briefing, sinabi ni Thornton na makikipagdiyalogo ang bibiyahe sa Tsina na si Kalihim ng Estado Rex Tillerson sa mga kinatawang Tsino tungkol sa mga hamon at pagkakataon ng kooperasyon. Aniya, magiging pokus ng nasabing biyahe ni Tillerson ang maghanap ng oportunidad para isulong ang mabuting relasuyon sa Tsina.
Ipinahayag din nitong Lunes ni Mark Toner, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na ang Tsina ay nagsisilbing mahalagang kalahok sa mga suliraning pandaigdig. Kung matutuloy ang kooperasyong Sino-Amerikano sa mga isyu kung saan matutuklasan ang komong posisyon, makakapaghatid ito ng benepisyo sa rehiyong Asya-Pasipiko, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |