|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Lunes Pebrero 21, 2017, kay Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, ipinahayag ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, na sa pamamagitan ng pag-uusap sa telepono kamakailan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika, narating nila ang mahalagang komong palagay tungkol sa pangangalaga sa pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano, at pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan. Ito aniya ay nakapaglatag ng pundasyon para sa pag-unlad ng relasyong ito sa susunod na yugto. Umaasa aniya siyang ayon sa diwa ng naturang pagkakasundo ng dalawang lider, mapapalakas ang pagdadalawan ng dalawang bansa sa iba't-ibang antas, mapapalawak ang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan, maayos na hahawakan ang mga sensitibong isyu upang mapasulong pa ang relasyong Sino-Amerikano.
Ipinahayag naman ni Tillerson na ang kooperasyong Amerikano-Sino ay hindi lamang angkop sa interes ng dalawang bansa, kundi nakakabuti sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaan ng rehiyon at buong daigdig.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa ilang isyung panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |