Ipinahayag Miyerkules, Marso 15, 2017 sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na buong sikap at palagiang pangangalagaan ng kanyag bansa ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Sinabi pa ni Li na sa rehiyong ito, inilagay ng Tsina ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa paunang puwesto ng diplomasya. Aniya pa, kinakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng ASEAN Community at nukleong papel ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon.
Kaugnay ng Code of Conduct of the South China Sea (COC), sinabi ni Li na natamo ang aktuwal na progreso sa pagsasanggunian ng Tsina at ASEAN hinggil dito.
Kaugnay naman ng mga patakaran ng Amerika sa rehiyong Asya-Pasipiko, sinabi ni Li na tinututulan ng Tsina ang pagsira ng ideya ng Cold War sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.