Ipinahayag Marso 14, 2017 ni Zhi Shuping, Puno ng State Quality Inspection Administration ng Tsina na positibo ang bansa sa pakikipagtulungan sa ASEAN sa larangan ng quality inspection.
Winika ito ni Zhi sa preskon ng 2016 taunang pulong ng National People's Congress ng bansa.
Binigyang-diin ni Zhi na umabot sa mahigit 450 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN sa 2016, mula 7.9 bilyong dolyares noong 1991. Nakinabang ito aniya sa pinalakas na pagtutulungan ng dalawang panig sa quality inspection.
Sinabi ni Zhi, na patuloy na mapapahigpit ng Tsina ang pakikipagtulungan sa ASEAN sa quality inspection sa hinaharap. Gaganap ng mas mahalagang papel ang mga kapit-lalawigang Tsino sa ASEAN na gaya ng Guangxi at Yunnan, dagdag pa niya.