Idinaos kahapon, Huwebes, ika-16 ng Marso 2017, sa Nanning, Tsina, ang seremonya ng pagtatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-China Arts Colleges Alliance.
Sumapi sa alyansang ito ang mga kilalang kolehiyong pansining, o pamantasang may departamento ng sining mula sa Tsina at ASEAN. Kabilang dito, 8 ang mula sa Tsina, at 11 ang mula sa iba't ibang bansang ASEAN. Layon nitong palakasin ang kooperasyon sa paghubog ng mga alagad ng sining, magsagawa ng art research, gumawa ng art works, at iba pang aspekto, para payamanin ang kultura at sining sa rehiyong ito.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, hinangaan ni Chantavit Sujatanond, Direktor ng Regional Centre for Higher Education and Development ng Southeast Asian Ministers of Education Organization, ang pagtatatag ng naturang alyansa. Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan ng masisiglang aktibidad, ihaharap ng alyansang ito ang mga mungkahi para sa pagpapaunlad ng kultura at sining, at palalakasin ang cross-cultural exchanges sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai